Jiane Nicole Mallari 8 months and 14 days. 8 months and 14 days pala tayong hindi nagkita at nagkasama. Ang tagal pala no? Ang tagal tagal. Mula pagdating ko dito sa Pilipinas, at yung unang pagkikita natin.. ngayon ko lang talaga naisip at narealize.. Nung nag-backread ako ng messages natin sa facebook, Ang dami pa lang nawalang oras satin. Kung iisipin ko yung sarili ko noon, nung hindi ka nakasama at nakita ng ganun katagal.. Hindi ko alam kung pano ako nabuhay. Hindi ko alam kung pano ko kinaya.. Nung nabasa ko yung message ko sayo nung anniversary natin..
“Hi lourde. in case na hindi ako makapag-online dahil sa bwiset na training ko na yan, Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal na mahal kita. At sobrang nasasaktan ako sa twing naiisip ko na hindi kita makakasama sa anniversary natin at sa araw araw. Ang hirap hirap mabuhay ng hindi ka kasama at wala ka sa tabi ko. Sinabi ko sayo yun dati diba? na napakadaling mabuhay kapag kasama ka. total opposite ngayon, na napakalayo natin sa isa’t isa. Kung alam mo lang kung gano ko kagustong mayakap at mahalikan ka na ulit. Ipagpapalit ko lahat ng meron ako at luho ko sa buhay kapalit ng kahit isang buong araw na makita at makasama ka. Kahit makausap ka lang ng harapharapan at kahit isang napakhigpit na yakap lang. Sobrang nagpapasalamat ako kay God na binigay ka niya sakin. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala ka. Hindi ko alam kung sino ako ngayon kung wala ka. Hindi ko na maimagine ung sarili ko na wala ka sa buhay ko. Ayoko nang mawala sa piling mo. Ang swerte swerte ko sayo eh. Lalo kong narerealize yun kapag nagkkwento sakin ung mga kaibigan ko ng mga problema nila sa mga boyfriend nila. Niloloko sila, nambababae, nagsisinungaling at kug anu ano. Iniisip ko, ” Nagawa niya na ba sakin to? ” hindi, hinding hindi. Napakaswerte ko sayo, wala na kong hihingin pa. Yung paghihintay mo pa lang sakin, napaka laking bagay na nun para sakin. Di ako makapaniwala na kinaya at kinakaya mo parin akong hintayin at tiisin ng walang ibang babae jan na pumo-proxy sakin. LOL haha. joke. I’m sorry pero ganun kasi tingin ko sa mga lalaki eh, na marupok, na pinaghintay mo lang ng konti susuko kaagad, na may makita lang na mas magandang babae iiwan ka agad. Pero binago mo ung tingin ko at pinatunayan mo yung sarili mo na hindi ka ganung klaseng lalaki. At masayang masaya ako dahil dun. Kahit dota nga, hindi ka naglalaro eh. We’re the perfect two. Sorry kung ako, hindi ko mapantayan lahat ng binibigay mo sakin. Pagmamahal, pagtitiwala, pagiging mapasensya, pagiging lahaaaaat. Sorry if I’m not good enough. I know I’ll never be good enough for you. Sorry kung lagi kitang inaaway, laging cold at kung anu ano pang kaartehan ko na natatake mo. Sorry din kung lagi kong inaasar ka na may babae ka, alam mo naman na I dont mean it diba? Takot akong mawala sakin at iwan mo ko. Takot na takot. Pero alam ko hinding hindi mo gagawin yun. Alam kong mahal na mahal mo ko eh. At the same time masayang masayang masayang masaya ako, at umabot tayo ng ganito katagal. Mapapatagal pa natin to diba? 10 yrs? 11? 12? 13? 14? Forever and eveeeeeeeeeeeeeeer. Hanggang ilagay mo na sa daliri ko yung singsing na matagal ko nang hinihintay at hanggang ngayon ay hinihintay ko parin at umaasang sayo manggagaling yun para ikaw na ang makasama ko sa panghabang buhay. Mahal na mahal kita, Lourde Aeron Angeles Unas. Patuloy lang tayong mag pray kay God, at hinding hindi parin niya tyo pababayaan. I love you so much. Forever and ever, Babe.
Happy happy anniversary! “
Grabe, parang naaawa lang ako sa sarili ko. Na.. hindi man lang kita nakita or nakasama. Na.. unang anniversary natin yon.. tapos malayo tayo sa isa’t isa. Parang napakahirap. Pero sobrang natutuwa rin ako.. dahil ang layo na pala ng narating natin.. ang dami na nting memories na magkasama, kilala na na natin yung bawat isa. Kung ano yung nararamdaman ko nung sinulat ko yung message na yan.. ganyang ganyan parin ang nararamdaman ko ngayon. Icherish natin bawat minuto at segundo na magkasama tayo.. at wag na wag na nating paghiwalayin nila tayo ng ganun kalayo at ganun katagal.. Dahil di ko na alam, mababaliw na ko. :)
sweet :)
I felt the need to blog about this. Hindi ko talaga akalaing may mga lalaki parin na handa kang mahalin kahit hindi na kayo, or — kahit may iba ka na. Kachat ko kasi yung ex ko kanina, hehezz. Nagkamustahan lang, hanggang sa naitanong ko kung kamusta na ang lovelife niya. Pag naman tinatanong ko siya nun, ang lagi niya lang reply, “ganun parin.” Eh, kaya nireto ko sakanya yung isa kong kaibigan na matagal nang may gusto sakanya. Sabi niya..
Ex: ayaw ko nga.
Ako: bakit naman? Kanino ka ba ngayon?
Ex: sayo.
Ako: sakin parin?
Ex: oo.
Ako: bakit sakin parin?
Ex: ganun talaga.
Gusto ko pa sanang magtanong tungkol dun at sa nakalipas, kaso baka kung saan pa mapunta yung usapan namin, masaya na ako na magkaibigan kami at hindi nagkakasakitan. Bilib lang ako sakanya kasi its been 1 year and six months since we broke up. I never thought na meron parin siyang feelings para sakin. Akala ko, nung nalaman niyang may bago na akong boyfriend, he’ll start to move on. Tapos hanggang ngayon pala, magiisang taon na kami ng bago kong boyfriend, hindi parin lumilipas yung pagmamahal niya para sakin. Pero hindi ako nagsisisi na hiniwalayan ko siya at nawala ang lahat samin. Mas masaya at kuntento ako ngayon sa kung anong meron ako at sa kung sinong mahal ko. :) Natutuwa lang ako at marami paring nagmamahal sakin na alam kong tatanggapin ako kahit anong mangyari at tutulungan ako sa kahit anobg problema.
afternoon. drawing nga pala yan ng kaklase kong si charisse. cute no? XD wala na kong masabi eh. rotate niyo nalang yung neck niyo. lol. di pa kami nagkakausap ulit eh. nakakalungkot lang. di pa uli siya nagoonline. eto, hintay lang ako. sana magonline na siya. di ko sya matawagan eh, na kay mama yung phone ko. mamaya ko nalang kukunin tutal nasakin naman tong playbook. speechless na talaga ko. nonsense ns sinasabi ko. magrereview nalang siguro ako.. exams naman na sa sunday eh. goodluck sakin.
Sabi kasi ng guro ko sa filipino, kailangan naming gumawa ng tula na tungkol sa pagibig. Kung may isang lalaki daw kaming minamahal ngayon, idaan daw namin sa isang tula yung mga gusto naming sabihin sakanya. Na-excite ako. Inspired ako eh. Nuks. Long distance relationship yung theme. Eto nga pala yung nabuo ko. Please bear with me, i’m not good at making this kind of things. :))
Alam kong tayo’y masaya na sa ating pagiibigan,
Ngunit may mga pangyayaring hndi natin inaasahan.
Hindi ko man ginusto na ika’y iwanan,
Ikaw parin naman ang nasa puso ko, magpakailanman.
Walang makapipigil saating pagmamahalan,
Libu-libo mang milya ang nasa ating pagitan.
Tapat sa isa’t isa kahit nasaan man,
Malagot man ang hininga’y ikaw parin ang nais mahagkan.
Pipilitin at kakayanin ko ito,
Dala-dala ang pangakong ako lang ang mahal mo.
Mula pagalis hanggang pagbalik ko,
Makakaasa kang ikaw lang, ang mahal ko.
Muli kang makapiling ang lagi kong dalangin,
Makasama’t mayakap ka sa ilalim ng nga bituin.
Kahit sa panaginip lamang ay aking tatanggapin,
Basta’t ako lamang ang ‘yong mamahalin.
Marami man akong gustong iparating,
Isa lang naman talaga ang aking nais ibilin.
Na ika’y maghintay sa aking muling pagdating,
At magtiwala sa Diyos na gagabay satin.
Oha. Ayos naman diba? Yung mapipili ng guro ko, mailalagay sa school paper yung tula. Binigay ko nga pala sakanya niya to nung 9th monthsary namin. Para maiba naman, tula naman. :>